Kasalukuyang gumagamit ng generator ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at naka-focus sa mga passenger movement, dahil na rin sa nangyaring power outage ngayong umaga.
Sa ngayon, limitado pa rin ang operasyon sa loob kung kaya ang ilang mga pasahero ay dismayado.
Nararamdaman din ang init sa loob ng terminal, dahil ang ibang aircon ay hindi rin gumagana.
Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, ang terminal 3 ay gumagamit ng power generator para masakop ang mahahalagang function at nagdaragdag ng mga posibleng pagkaantala sa paglipad.
Sa ngayon, ongoing pa rin ang pag-aayos ng Meralco at inaasahan na babalik ang normal operation sa lalong madaling panahon, humingi naman ng pasensiya ang paliparan sa lahat ng pasahero at pipilitin ang magandang serbisyo sa nasabing terminal.