NAIA Terminal 4, pansamantalang isasara

Nag-abiso ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) sa pansamantalang pagsasara ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA 4.

Ito ay para bigyang daan ang gagawing renovation sa naturang Paliparan.

Ayon sa NNIC, posibleng sa susunod na taon pa muling buksan ang NAIA 4.


Inabisuhan na rin ang Cebgo at ang Air Swift hinggil dito.

Bunga nito, ililipat muna sa NAIA 2 ang operasyon ng Cebgo at Air Swift.

Facebook Comments