NAIA terminals, pansamantalang lilimitahan sa 1,500 international inbound arrivals

Lilimitahan na lamang sa 1,500 kada araw ang international inbound arrivals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang kautusan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ay epektibo sa March 18 dakong 8:00 AM oras sa Pilipinas hanggang sa April 19, 2021 dakong 8:00 AM Philippine time.

Sa harap ito ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Bunga nito, asahan na ang maraming makakanselang international flights sa nasabing panahon

Sa panig ng Philippine Airlines (PAL), sinabi ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na full operational ang kanilang international flights sa March 18.

Maglalabas na lamang aniya sila ng anunsyo ng kanilang kanselasyon ng international flights para sa mga susunod na araw.

Facebook Comments