Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na umabot na ng 40 million pesos ang naipamigay nilang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda kahapon.
Dahil dito, aniya halos P200 million na ang kabuuang halaga na naipamahaging ECQ ayuda sa mga indibidwal at pamilyang apektado ng muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.
Muling iginiit ng alkalde na hindi lahat ng residente ng lungsod ay mabibigyan.
Kaya naman, aniya ang pamahalaang lungsod ay nagpondo para sa grocery food packs para sa mga hindi makakatanggap ng ayuda.
Ayon kay Sotto, mas lalong bumilis ngayon ang pamamahagi ng grocery food packs at ECQ ayuda sa lungsod.
Nabatid na house-to-house ang pamamaraan ng pamahalaang lungsod sa pamamahagi ng kanilang mga nasabing ayuda.
Facebook Comments