Naibenta na ng BOC ang 3 sa 7 kumpiskadong luxury vehicles ng Pamilya Discaya

Naibenta na ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlo sa pitong kumpiskadong luxury vehicles ng Pamilya Discaya.

Kabilang dito ang Mercedes-Benz G63 at G500, na nakuha ng Simplex Industrial Corp. sa halagang higit P31 milyon.

Ang Lincoln Navigator L, na may floor price na mahigit P7.038 milyon, ay naibenta sa P7.1 milyon sa winning bidder na Lessentrel Jewelries.

Sa tatlong naisubastang sasakyan, kumita ang BOC ng aabot sa P38,211,710.00.

Sa pitong mamahaling sasakyan na subject ng auction, idineklarang failed bidding ang apat na luxury vehicles.

Walang bidder para sa Toyota Tundra (floor price P4.9M), Toyota Sequoia (P7.2M), Rolls-Royce (P45.3M), at Bentley Bentayga (P17.3M).

Ayon sa pahayag ng BOC, sampu ang nagparehistrong bidder, ngunit walo lamang ang nakarating sa public auction.

Facebook Comments