Sa maniwala kayo o hindi naibenta sa auction ang isang postcard ng sikat na serial killer noong 1800’s na si Jack The Ripper.
Ang postcard ay naibenta sa halagang higit $30,292.00 o katumbas ng mahigit isa’t kalahating milyong piso.
Napanalunan ng isang British private collector ang postcard na may petsang October 29, 1888 mahigit isang linggo bago patayin ang huling biktima ni Jack The Ripper na si Mary Kelly.
Sinasabing pag-aari ng isang metropolitan police constable ang postcard makaraang magretiro sa serbisyo noong 1966*.*
Nabatid na itinuturing na isa sa mga tinaguriang unsolved mysteries sa British criminal history ang mga ginawang pagpatay ni Jack The Ripper na sinimulan niya noong August at tumagal ng November 1888.
Facebook Comments