Manila, Philippines – Nasa 96% na o 3.599 trillion pesos ang naipamahagi ng Department of Budget and Management ngayong buwan ng Oktubre, mula sa kabuuang budget na 3.767 trillion pesos na budget para sa 2018.
Ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno, ilan sa mga pondo na inilabas ngayong buwan ay inilaan sa DPWH (Php 34.0 billion) para sa mga basic facility ng DepEd, Land Bank of the Philippines (Php 1.1 billion) para sa PUV modernization at pension ng Armed Forces of the Philippines (Php 6.7 billion).
Ayon sa kalihim, makakaasa ang publiko na mananatili silang transparent sa pagbibigay ng update sa status ng 2018 budget.
Facebook Comments