Kapansin pansin umano sa ilang mga bahagi sa mga barangay sa Dagupan City ang naiipong mga tubig dulot ng nararanasang pag-ulan tuwing hapon.
Pangamba ng mga ito na maaaring pagmulan ito ng sakit na Dengue na isa sa mga sakit na kinakaharap partikular ng mga bata sa panahon ngayon.
Ayon sa mga ito, nais umano nilang magrequest ng misting operation sa kanilang barangay lalo na at kaliwa’t kanan din ang isinasagawang fogging ng lokal na pamahalaan ng lungsod alinsunod sa adhikaing Zero Dengue Campaign.
Samantala, matatandaan na may karagdagang limang kaso sa limampu’t dalawa ang naitalang kaso ng Dengue ngayon sa lungsod at pinapayuhan ang lahat na gawin ang mga hakbanging pupuksa sa maaring mga pamugaran ng lamok gayundin ang pagpapakonsulta sa pinakamalapit ng ospital o health center kung makaranas ng sintomas ng sakit na dengue. |ifmnews
Facebook Comments