NAIKALAT NA | Mga gamit ng DPWH, nakaposisyon na para sa pananalasa ng typhoon Ompong

Manila, Philippines – Naikalat na ng Department of Public Works and Highways ang kanilang Disaster Response Teams kabilang ang mga heavy equipment sa iba’t ibang national road sa bansa, partikular sa mga tatamaan ng super typhoon Ompong.

Karamihan sa mga ito ay inilagay sa mga road sections na itinuturing na landslide prone areas, para agad na makapagsagawa ng clearing operations, upang matiyak na tuloy tuloy ang disaster response activities.

Nakapagsagawa na rin ng mga pagsusuri ang DPWH upang tiyakin ang structural integrity ng mga kalsada, tulay at mga matataas na gusali.


Sa oras na matapos ang kalamidad na ito, ang mga nakakalat na team ng DPWH na rin ang magsasagawa ng initial assessment ng mga pinsalang iiwan ng super typhoon Ompong.

Facebook Comments