Ilocos Norte – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang apat na crew ng isang yate matapos na masiraan mula Hongkong papuntang Pilipinas na nakaranas ng engine trouble West Philippine Sea, 207 nautical mile West off sa Negra Points, Ilocos Norte.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, ang naturang motor yacht ay humingi ng saklolo na nasagap naman ng Hongkong Maritime Rescue Center at ipinarating sa Philippine Coast Guard.
Agad na nagpadeployed ng BRP Suluan, ang PCG kung saan ay nagpadala rin ng mga tauhan ang Taiwan Coast Guard upang tumulong para mailigtas ang mga crew na nasiraan sa karagatan
Paliwanag ni Balilo maging ang MV Spring Wind, isang cargo vessel papuntang Batangas Port ay tumulong na rin para magsagawa ng towing operations at hilain papuntang Batangas Port kung saan matagumpay na nailigtas ang apat na crew pero ang nasabing yate ay nagkaroon ng matinding sira sa kaliwang bahagi habang papunta sa Pilipinas galing Hongkong ang motor yacht ng dumating kahapon ng hapon sa Batangas Port.