NAILIGTAS | 6 na mangingisda na tumaob ang sinasakyang motorbanca, nasagip ng PCG

Manila, Philippines – Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mga mangingisda mula sa tumaob na motorbanca sa karagatang sakop ng Calebra Island, Batad, Iloilo.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Capt. Arman Balilo, tumawag sa Coast Guard Station Estancia ang may-ari ng fishing banca Ajekhim na si Alberto Consolacion upang ipagbigay-alam ang pangyayari.

Kaagad nagsagawa ng search and rescue operation ang Coast Guard sa bisinidad ng Sicogon at Culebra Island kung saan nakita ang nakataob na bangka at anim na mga mangingisda.


Kaagad namang inilipat sa rescue boat ang mga mangingisda sa baybayin ng Estancia, Iloilo.

Nakilala ang mga nailigtas na mangingisda na sina Antonio Chavez (Boat Captain), 31 year old; Romel Refil (MDM), 32 year old; Brando Dejusco, 35 year old; Allin Duga, 21 year old; Gerel Bungcad, 21 year old; and Ricardo Ignacio, 44 year old na pawang residente ng Brgy Bito-on, Carles, Iloilo.

Sa salaysay ng mga ito pumalaot sila noong February 10 na wala pang typhoon signal sa Visayan Sea upang mangisda pero hinampas ng malalaking alon at hangin dahilan upang tumaob ang kanilang bangka.

Facebook Comments