NAINGAYAN! | Kagawad, namaril!

Cauayan City – Sugatan ang isang magsasaka matapos barilin ng isang kagawad ng Barangay sa Pinoma, Cauayan City.
Nasa maayos nang kalagayan ang biktima na si Joel Fabros matapos mabaril ng suspek na si Kagawad Joseph Estrada.
Sa ulat, nagalit ang kagawad dahil sa ingay ng motorsiklo ng biktima kaya’t kumuha ito ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril saka siya pinaputukan.
Agad na naisugod sa ospital ang biktima habang naaresto naman ang suspek na kagawad na kaslaukuyan ngayon isinasailalim sa imbestigasyon para malaman kung saan nito nakuha ang baril.

Facebook Comments