Malabon City – Kritikal ang isang binata matapos pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay sa Barangay Tonsuya, Malabon City.
Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktima na nakilalang si Ronrobel Caleste dahil sa tama ng saksak sa dibdib at kaliwang balikat.
Agad namang naaresto ang suspek na nakilalang si Jerry Egos na kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan nang lumabas ng bahay ang suspek na sobra ang galit dahil sa sobrang ingay nila.
Hindi naman ito pinansin ng mga nag-iinuman subalit dito na kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima kung saan tinangka pa nitong tumakas pero nasakote din ng mga pulis.
Facebook Comments