Naipadalang show cause order ng COMELEC laban sa BSKE candidates na sangkot sa maagang pangangampanya, sumampa na sa mahigit 3,500

Sumampa na sa 3,541 show cause orders ang naipadala ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga kandidato sa Barangay at SK Elections.

Sa nasabing bilang, 529 na ang nakapagpaliwanag sa COMELEC.

Kahapon, tatlumpu’t limang BSKE candidates ang sinampahan ng disqualification case ng COMELEC Task Force Anti-Epal.


Kabilang dito ang isang tumatakbong barangay chairman, 9 sa pagka-barangay kagawad, 4 sa pagka-SK chairperson, at 21 bilang SK kagawad.

Facebook Comments