Umabot na ng 70,856 food packs ang naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa mula noong March 20 hanggang April 1.
Kung saan noong April 1, umabot ng 10,003 ang kabuuang food packs na naibigay sa mga residente ng Barangay ng Tunasan, Poblacion, at Putatan sa Distrct 1.
Sa District 2 naman ay ang Barangay ng Alabang, Cupang, at Sucat.
Sa kaparehong araw, ito rin ang may pinkamaraming bilang na nabigyan ng food packs.
Ipinatutupad naman ang No Touch Policy at Social Distancing kaya naman pakiusap nila sa mga residente na maglagay na lang ng lalagyan ng relief good sa kanilang labas ng bahay.
Ang Muntinlupa City ay mayroon ng kabuuang bilang na 41 na kaso ng COVID-19, apat na ang nasawi, 186 ang Persons Under Investigation at 348 naman ang Persons Under Monitoring.