Naipamahaging tulong ng DOH sa mga health worker sa bansa, umabot na sa P16.01 billion

Umabot na sa P16.01 billion ang naipamahaging tulong ng Department of Health (DOH) sa lahat ng health workers sa bansa.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, naitala ito as of October 19 sa gitna ng paglaban ng bansa sa COVID-19.

Kasama sa bilang ang pinakabagong naipamahaging special risk allowance at COVID-19 sickness and death compensation sa mga health worker.


Sa ngayon, umabot na sa P735 million ang naipamahing tulong ng DOH sa 55,000 health workers sa bansa.

Habang P613 million para naman sa mga health worker na nagkaroon ng mild, moderate, severe hanggang critical COVID-19 cases.

Facebook Comments