NAIPIT | Imported rice, nananatili sa Subic port dahil sa sama ng panahon

Manila, Philippines — Apektado pa rin ng sama ng panahon ang unloading o pagdiskarga ng inangkat na bigas ng National Food Authority mula Vietnam at Thailand.

Ayon kay NFA spokesperson Rex Estoperez , nasa 800,000 bags pa ang hindi maidiskarga sa Subic port dahil sa epekto ng hanging habagat.

Kung hindi aniya gumanda ang lagay ng panahon sa susunod na mga araw, malamang na maantala rin ang parating pa na 500,000 metric tons ng imported rice.


Sinabi ni Estoperez na gagamitin sa relief operations ang mga naiipit na bigas sa pantalan.

Nagsagawa na rin ng pagiikot sa mga pamilihan sa NCR ang NFA para alamin ang posibleng pagsasamantala sa presyuhan ng bigas kasunod ng mga nararansang pagbaha.

Nasa 39 pesos per kilo ang pinaka-murang bigas sa Commonwealth Market, Frisco at Munoz Market.

Pero, napag-alaman ni Estoperez na sa Nepa Q mart ay pumalo sa 42 pesos ang per kilo ng bigas.

Dahil dito, dadagdagan nila ang distribusyon ng NFA rice sa Nepa Q mart para ma-stabilize ang presyo ng bigas sa harap ng mga banta ng pagbaha.

Facebook Comments