Nais na death penalty ng PNP para sa mahuhulihan ng 50 gramo ng iligal na droga, tinutulan ng liderato ng Senado

Mariing kinontra ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang nais ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa na dapat patawan ng death penalty ang mahuhulihan ng 50 gramo ng iligal na droga.

Katuwiran ni Sotto, napakadaling itanim ng 50 gramo ng droga habang sa kasalukuyang batas ay pinapahintulutan na magpiyansa ang makukumpiskahan ng hanggang 200 gramo ng illegal drugs.

Ayon kay Sotto, kung ipipilit ng PNP ang posisyon nito ay kalimutan na ang panukalang magbabalik sa pagpapataw ng parusang kamatayan.


Giit ni Sotto, nararapat lang ang hatol na bitay sa mga mapapatunayang sangkot sa high level drug trafficking o mga drug lords.

Facebook Comments