NAISAKATUPARAN NA | Phase 3 ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project, nakumpleto na ng DPWH.

Naisakatuparan na ng Department of Public Works and Highways ang ikatlong bahagi sa pagsasaayos ng Pasig- Marikina River Channel.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang proyektong ito ay sagot sa madalas na pagbaha sa lugar tuwing napapalakas ang pagulan.

Daan rin aniya ito upang maproteksyunan ang mga ari arian ng mga residente sa lugar kontra sa baha at maging sa mga motorista na dumadaan dito.
Ang 6.97 billion peso project na ito ay kinanibilangan ng pagsasaayos sa drainage system, manholes, connecting pipes, konstruksyon at improvement ng river walls.


Facebook Comments