NAISALBA | 16 indibidwal, nailigtas ng PCG sa Surigao City

Surigao City – Matagumpay na naisalba ng mga tauhan ng mga tauhan Philippine Coast Guard ang 16 personsonalidad matapos na magkaroon ng engine-troubled ang pumpboat na kanilang sinasakyan sa Surigao City.

Base ulat ng PCG nailigtas ng mga Personnel ng Coast Guard Station Surigao ang 16 ng katao na sakay ng pumpboat matapos na magkaroon ng engine trouble sa bisinidad ng karagatan ng Sabale Island sa pagitan ng Brgy Zaragoza at Brgy Lisondra, Surigao City.

Napag alaman na ipinagbigay alam ni Mr. Dixon Gonzalez ng Philippine Ports Authority Port Police sa Coast Guard Station Surigao na isang pump boat ang naka encountered ng engine trouble sa naturang lugar.


Agad nagtungo sa lugar Quick Response Team ng Coast Guard Staion Surigao matapos matanggap ang ulat para alamin ang kalagayan ng mga sakay ng pump boat.

Nailipat naman agad ang lahat ng sakay ng pump boat sa kanilang rescue boat na nasa magandang kalagayan at hinila na rin ang nasiraang motor pump boat patungo sa ruta ng Boulevard, Surigao City.

Sinabi ng Master ng motor pump boat na habang pumapalaot sila sa bisinidad ng karagatan ng Sabale Island, pagitan ng Brgy. Zaragosa at Brgy. Lisondra, Surigao City, hindi inaasahan na ang clutch lining ay nasunog na naging dahilan kayat ang kanilang motor pump boat ay hindi tumakbo.

Facebook Comments