NAISINGIT | Pork barrel, nakasiksik pa rin sa 2018 national budget

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang pananatili ng pork barrel sa 2018 national budget na nagkakahalaga ng mahigit 3.76 trillion pesos.

Diin ni Lacson, ilang kongresista at kapwa senador ang nakapagsingit sa General Appropriation Act ng badyet para sa mga proyekto na para lamang sa kanilang pansariling pakinabang.

Mayroon din aniyang nakapagpasok sa badyet ng napakalalaking halaga para sa kanilang pet project na hindi naman dumaan sa mga Local Development Council.


Ayon kay Lacson, kinikilala nya ang karapatan ng mga kapwa mambabatas na tumukoy ng mga proyekto para sa kanilang constituents na nais nilang pondohan.

Pero giit ni Lacson, dapat ito ay dumaan ang mga ito sa tamang proseso at masiguro na publiko ang makikinabang at hindi ang mga pulitiko.

Facebook Comments