Manila, Philippines – Naisumite na ng Consultative Committee (ConCom) ang initial draft ng Federal Charter sa Kamara.
Personal na tinanggap nila House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang draft ng chacha mula kay ConCom Chairman at dating Chief Justice Reynato Puno.
Ayon kay Alvarez, wala pa silang masabing timetable sa chacha dahil pag-aaralan muna nila ang nilalaman ng charter na isinumite ng ConCom.
Sinabi naman ni Fariñas na hihintayin muna nila ang official transmittal ng dokumento mula sa tanggapan ng Pangulo bago nila ito masimulang aksyunan.
Nilinaw din ni Fariñas na isinumite ng ConCom ang kopya ng binuong Federalism bilang pagrespeto na rin kay Speaker Alvarez.
Dagdag pa ng kongresista, recommendatory lamang ang ConCom at tanging ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na magpanukala ng pag-amyenda sa Konstitusyon.