Manila, Philippines – Naisumite na ng Dept. of Trade and Industry (DTI) sa Dept. of Health (DOH) ang rekomendasyon sa paglalagay ng health information label sa mga inuming may mataas na lebel ng asukal.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo – laman ng kanilang rekomendasyon ay ang sapat na dami ng asukal sa isang inumin.
Nakasaad din dito ang rekomendasyon ng world health organization sa sugar intake ng isang indibidwal.
Nakasaad sa label kung ‘Low’, ‘Medium’, at ‘High’ ang sugar content upang bigyan ng kaalaman ang mga mamimili.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa sakit na maaring makuha sa sobrang konsumo ng asukal tulad ng diabetes at obesity.
Facebook Comments