NAISUMITE NA | Panukalang batas na magtatatag ng DDR, isinumite na ng Malacañang sa Kongreso

Manila, Philippines – Naisumite na ng presidential legislative liaison office sa Kongreso ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience o DDR.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ilalim ng panukala, magiging isang bagong departamento ang DDR at bubuwagin na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa ilalim lamang ng Office of the Civil Defense (OCD).

Aniya, ayaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maulit ang insidente sa Bagyong Yolanda na tumama sa Leyte noong 2013.


Sabi ni Roque, sa DDR ay iisang tao lamang ang mangangasiwa sa chain of command at susunod sa disaster resilience framework.

Nilinaw naman ni Roque na bagaman at iisang tao na lamang ang magiging point person ay mananatil pa rin itong inter-agency.

Facebook Comments