Manila, Philippines – Isang taon matapos ideklara ang Martial law sa Mindanao, nasa dalawampu’t siyam na mga manggagawa na ang napapaslang sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon kay KMU vice-president Lito Ustarez, mga manggagawa ang pinakamatinding tinamaan ng ipinapatupad na Martial law doon.
Ayon pa kay Ustarez, halos nasa isandaan ding kaso ng paglabag sa Karapatang pantao ang naitala nila sa Southern Mindanao Region.
Aniya, ang mga manggagawa ay itinuturing na mistulang kriminal at ang pagsama sa unyon ay binabansagang gawaing terorismo.
Mahigpit din na binubuwag ang kilos protesta tulad ng nangyari sa kumpanyang Shin Sun at Coke sa Davao.
Facebook Comments