NAITALA | 4.5 billion na tao sa buong mundo, walang access sa maayos na palikuran – WHO

Tinatayang nasa 4.5 billion na tao sa buong mundo ang walang access sa maayos na palikuran.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang maayos na banyo ay dapat konektado sa sewer o septic tank.

Sabi pa ni Dr. Maria Neira, director ng WHO-Department of Public Health, Environmental and Social Determinants of Health – na-e-expose sa iba’t-ibang sakit ang isang tao kapag walang access sa isang ‘safely managed sanitation services’.


Kabilang sa mga sakit na posibleng makuha ay cholera, diarrhea, dysentery, hepatitis A, typhoid at polio.

Para matugunan ang problema, nanawagan ang WHO sa mga member-states na i-adopt ang bago nitong guidelines at mag-invest ng pondo para sa sanitation.

Facebook Comments