Umabot sa 1.5 million passengers ang naitala ng Clark International Airport mula Jan hanggang Aug 8 o sa 3rd quarter ng taong 2018.
Sa ulat ni Alexander Cauguiran, Clark Int’l Airport President sa Department of Transportation kabuuang 1,538,958 travelers ang nairekord ng paliparan.
Ang nasabing datos ay mas mataas kung ikukumpara sa 1,514,531 passengers nuong 2017.
Dahilan para maikunsidera ito bilang all time high airport passenger mula nuong 1995.
Sinabi ni Cauguiran na target nila ang 2.5M passengers bago matapos ang taong kasalukuyan.
Sa ngayon, ang average daily passenger volume sa Clark airport ay pumapalo sa 7,000 ; 462 weekly flights, 166 dito ay international flights habang ang 296 ay domestic flights.
Facebook Comments