Manila, Philippines – Nasa 25 Suspected Election Violence Incident (SEVI) na ang naitala ng Philippine National Police (PNP) simula April 14 hanggang May 11.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent John Bulalacao, 28 tao ang nasawi sa nasabing mga insidente.
Aniya, sa 28 na nasawi ay mga insidente ng pamamaril habang dalawa ang kidnapping.
Sinabi naman ni Bulalacao na balak ikonsidera ng PNP ang nangyaring pamamaril kina dating Congressman ng 2nd district ng La Union na si Eufranio Eriguel at kay Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot sa mga insidente ng kaharasan na may kinalaman sa eleksyon.
Matatandaangnasawi noong Sabado ng gabi matapos tambangan si Eriguel habang nakaligtas naman si Loot.
Facebook Comments