Manila, Philippines – Pumangalawa ang Pilipinas sa Asia-Pacific sa may pinakamaraming namamatay dahil sa indoor air pollution o maduming hanging sa loob ng tahanan o gusali.
Sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) – naitala ang halos 84 na pagkamatay sa bawat 100,000 Pilipino noong 2016 dahil sa polusyon sa loob ng bahay.
Maliban dito, nasa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa may pinakamaraming pagkamatay dahil sa polusyon sa labas o outdoor air pollution.
Umabot sa 45.3 ang namamatay sa bawat 100,000 indibidwal dahil dito.
Nanguna ang laos sa may pinakamaraming namamatay dahil sa indoor air pollution na may 85 pagkasawi, habang ang china naman ang nanguna sa outdoor polution kung saan 81.5 pagkamatay sa bawat 100,000 ang naitala.
Ang posibleng paggamit ng mga pinoy ng kerosene at panggatong ang mga dahilan ng pagkamatay sa indoor air pollution.
Ayon sa WHO, ang outdoor air pollution naman ay bunsod ng “inefficient energy use” sa mga kabahayan, industriya, agrikultura, transportasyon, at coal-fired power plants.