Naitalang 1.61% ER mismatch ng PPRCV, hindi pa masasabi kung magkakaroon ng epekto sa resulta at kredibilidad ng kakatapos lang na eleksyon

Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na hindi pa masasabi sa ngayon kung magkakaroon ba ng epekto sa resulta o sa kredibilidad ng eleksyon ang naitalang 1.61% na mismatch sa Election Return o ER.

Ito ang sinabi ni PPRCV Spokesperson Atty. Vann Dela Cruz kasunod ng ilang pangamba hinggil sa 1.61% ER mismatch.

Sa inilabas na pahayag ni Atty. Dela Cruz, pinaliwanag nito na hindi pa talaga masasabi kung may epekto ba ito dahil sumasailalim pa sa validation ang mga ito.


Posibleng aniya na nagkaroon lang ng pagkakamali dahil hindi nabasa ang ilang ER.

Giit pa ni Atty. Dela Cruz, anumang lumabas o magiging resulta ng kanilang ginagawa ay naghahanda ang PPRCV ng report para sa publiko.

Una nang sinabi ng PPRCV na ang 1.61% ER mismatch sa kabuuang 240 ERs ay posibleng ito ay dahil lamang sa hindi sinasadyang error ng ilang pagod na volunteers.

Samantala, sinabi na rin ng Commission on Election o COMELEC na hindi dapat ikabahala ang nakitang mismatch dahil hindi naman ito nakakaapekto sa resulta ng halalan.

Facebook Comments