Naitalang 7.6 percent GDP rate ng bansa, mas mataas sa target na GDP rate ng gobyerno ayon kay PBBM

Good news para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 7.6 percent ang gross domestic product o GDP rate ng bansa mula July hanggang Setyembre.

Sa video message ng pangulo, sinabi nitong ang target lang ng pamahalaan para sa last quarter ng taon ay 6.5 percent hanggang 7.5 percent GDP rate.

Kaya naman ibig sabihin nito ay mas bababa ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa at mas magiging mabilis ang paggalaw ng ekonomiya ng bansa.


Maging sa sektor ng agrikultura, iniulat ng pangulo na tumaas ang agricultural sector sa 2.2 percent.

Kaya naman para sa pangulo, tama ang kanilang mga policy decisions at on track ang gobyerno para tuloy-tuloy ang pagyabong ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments