Naitalang adverse events mula sa 5 milyong nabakunahan laban sa COVID-19, kakaunti lamang

Kakaunti lamang na adverse events ang naiulat mula sa mga Pilipinong nabakunahan na laban sa COVID-19.

Nabatid na aabot na sa 5.9 million na Pilipino na ang naturukan laban sa virus.

Ayon kay Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo, nasa tatlong porsyento lamang mula sa bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccines ang nakapagtala ng adverse events.


Karamihan sa mga karaniwang adverse effects ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagtatae.

Sa ngayon, aabot na sa 9.3 million doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas at nasa 11 milyon ang inaasahang darating ngayong buwan.

Facebook Comments