Naitalang adverse events ng nagpapatuloy na COVID vaccination program, mahigit 2% lamang

Aabot lamang sa 2.04% ang tinatawag na Adverse Events Following Immunization (AEFI) sa kasagsagan ng bakunahan kontra COVID-19 sa ating bansa

Ayon sa Department of Health (DOH),ang 2.04% ay katumbas lamang ng 25,661 mula sa 1,255,716 na vaccinees o mga indibidwal na nakaranas ng AEFI.

2.013% sa mga nabakunahan ay nakaranas ng “non-serious” o hindi seryosong AEFIs, habang nasa 0.030% lamang ang seryoso.


Ang mga naturang vaccinees ay binigyan ng kinakailangang atensyong-medikal.

Sinabi naman ni DOH Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire na walang dapat ikabahala sa bilang dahil kung tutuusin ay maliit na porsyento lamang ito.

Facebook Comments