Naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City, nasa 22 na lamang

Courtesy: Pasay Public Information Office Facebook page

22 na lang ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City kung saan 5 ang panibagong nadagdag na nahawaan ng virus.

11 naman ang mga panibagong gumaling sa virus habang walang naitalang nasawi sa nakalipas na 24 oras.

Sa kabila ng pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 ay patuloy na humingi ang Pasay City Government sa publiko ng kooperasyon at pakikiisa.


Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng virus at iba pang sakit sa ating komunidad sa pamamagitan ng E.M.I. Habit:

• E- Ensure to always wash your hands
• M- Mask is a must
• Implement physical distancing

Payo rin ng lokal na pamahalaan, siguraduhin na palaging may maayos na ventilation.

Kaugnay nito, tuloy naman ang pagbibigay sa Pasay City ng 1st dose, 2nd dose at booster shot ng COVID-19 vaccine sa SM-MOA Giga vaccination site.

Facebook Comments