Limang sunod na araw nang mababa sa 20,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, nasa 17,411 na lang ang naitalang bagong kaso.
Para ito sa 2,434,753 kabuuang kaso, kung saan 6.8% o 165,790 ang active cases.
Sa nasabing bilang; 92.1% ang mild, 3.1% ang Asymptomatic; 2.73% ang Moderate; 1.5% ang severe at 0.7% ang critical.
Pinakamababa naman sa nakalipas na anim na araw ang mga bagong gumaling na nasa 14,090 para sa 2,231,558 kabuuang recoveries.
Sa ngayon, sumampa na sa 37,405 ang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng 177 kahapon.
Facebook Comments