Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, tumaas ng 10%

Tumaas ng sampung porsyento ang daily average ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula sa naitalang 78 new COVID-19 cases noong May 24 hanggang May 30 ay tumaas ito sa 86 nitong May 31 hanggang kahapon, June 6.

Ito ay base na rin aniya sa analysis data mula sa Department of Health (DOH).


Bukod dito, sinabi ni David na tumaas din ang reproduction number sa Metro Manila sa 1.08 mula sa dating 1.24.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng nahawaan ng isang tao.

Bahagya ding tumaas ang One-Week Average Daily Attack Rate o ADAR sa 0.61 mula sa dating 0.55.

Makikita rin sa datos na tumaas ang positivity rate mula sa 1.5% papuntang 1.6%.

Sa kabila nito, sinabi ni David na nananatili pa rin sa low risk sa COVID-19 ang NCR.

Facebook Comments