Gumagawa na ng pamamaraan ang Department of Agriculture (DA) para mapalakas ang domestic food production at makamit ang mas mataas na antas ng food sufficiency matapos ang bahagyang pagbaba sa unang quarter ng taon.
Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagsak ng 1.2% ang agri-fishery output ng bansa sa unang tatlong buwan sa gitna ng negatibong paglago sa fisheries ay crops sub-sectors, kabilang ang palay at mais.
Gayunman, tumaas ang halaga ng kabuuang produksyon at kasalukuyang presyo ng 3.4% percent sa P441.2 billion, kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakalipas na taon.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, may dahilan raw ang pagbagsak ng produksyon sa pagkain sa panahon ng planting season at sa ipinatupad ng closed fishing season sa pangunahing fishing grounds sa Panay Island, Sulu at Palawan.
May epekto rin aniya ang pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.
Kampante pa rin ang kalihim na maibabalik ang sigla nito sa sa pamamagitan ng strategic interventions sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.