NAITALANG DANYOS SA AGRIKULTURA SA PANGASINAN NG BAGYONG KARDING, AABOT 4. 7 MILYON

Pumalo na sa 4. 7 milyon ang danyos sa agrikultura ng Bagyong Karding sa lalawigan ng Pangasinan, ayon kay Governor Ramon Guico Jr.
Sa isang panayam, sinabi ng gobernador na nasa 4. 1milyon halaga dito ang nasirang palay at P600,000 naman ay ang danyos sa iba pang pananim sa probinsya. Pinaka-apektado sa agrikultura ang Southern at Western part ng probinsya na pilit na isinalba ang kanilang pananim upang mapakinabangan.
Bukod dito, P450,000 ang danyos sa imprastraktura sa bayan ng Mabini, San Fabian at Bautista. Naitala din ang 75 bahay na nasira dahil sa Bagyong Karding na pinakamarami ay sa bayan ng Mangatarem.

Sinabi ni Guico na sa ngayon ay nangangailangan ng pinansyal na tulong ang magsasaka sa Pangasinan. | ifmnews 
Facebook Comments