Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitalang election-related violence ng Philippine National Police, ilang araw bago ang eleksyon.
Hanggang noong Miyerkules, Mayo 4, nakapagtala na ng 56 na election-related incident sa buong bansa.
Pero ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, 14 lamang dito ang validated election-related violence; 30 ang walang kaugnayan sa halalan habang 12 insidente pa ang iniimbestigahan.
Sa mga kumpirmadong election-related violence, apat ang naitala sa Ilocos Region, lima sa Central Luzon, tatlo sa Region 9 at tag-isa sa Region 10 at Cordillera Region.
Samantala, hanggang kahapon, Mayo 5, nasa 3,013 na ang naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa Comelec gun ban.
Nakumpiska sa kanila ang 2,299 na mga armas.
Facebook Comments