Naitalang fire incident ng BFP, bumaba ngayong taon

Bumaba ng 69% ang naitalang sunog ng Bureau of Fire Protection sa Metro Manila ngayong taon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BFP Spokesperson Superintendent Annalee Cabrajal-Atienza na 2,854 lamang ang naitalang insidente ng sunog.

Higit na mas mababa ito kumpara sa 7,002 fire incidents noong nakaraang taon.


Aniya, pangunahin sa mga dahilan ng sunog ang electrical connection habang pumapangalawa ang lighted cigarette butts at ikatlo ang open flame kabilang ang torch at napapabayaang niluluto.

Samantala, wala pang naitatalang sunog na may kinalaman sa paggamit ng paputok ang BFP hanggang sa mga oras na ito.

Facebook Comments