Naitalang inflation ngayong Nobyembre, pasok pa rin sa forecast range ng BSP

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pasok pa rin sa kanilang tinatawag na forecast range ang 2.5% inflation rate na naitala nitong Nobyembre.

Ayon sa BSP, tugma pa rin ito sa 2.2 hanggang 3.0% na pagtaya nila para sa inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo hanggang sa mga susunod pang buwan.

Sinasalamin daw nito ang paghupa ng mga hamon sa supply ng pagkain, partikular ang bigas.


Sa kabila niyan, mas naging matimbang daw ang mga bagay na maaaring magpabilis sa inflation sa 2025 at 2026 ang potensyal na pagbabago sa singil sa kuryente at mas mataas na minimum na sahod sa labas ng Metro Manila.

Pero may tyansa pa rin daw na bumaba ang inflation bunsod ng mababang taripa sa inaangkat na bigas.

Magsagawa ng monetary policy meeting ang Monetary Board sa December 19 para pag-usapan ang magiging hakbang sa mas maluwag na monetary policy na makakatulong sa paglago ng ekonomiya at paglika ng mga karagdagan pang hanapbuhay.

Facebook Comments