Naitalang inflation noong Hulyo, bumagal ayon sa Philippine Statistics Authority

Bumagal noong nakaraang buwan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, pumalo sa 4 percent ang inflation noong Hulyo na mas mababa kumpara sa 4.1 percent na naitala naman noong Hunyo.

Mas mabagal din ito sa inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 4.3 percent at pasok pa rin sa kanilang target range.


Paliwanag ng BSP, malaking dahilan sa pagsipa ng mga pangunahing bilihin ang paghina ng piso kontra dolyar at pagtaas ng singil sa kuryente at produktong petrolyo.

Facebook Comments