Naitalang mga insidente ng pagkalunod nitong Semana Santa, umaabot na sa 78

Umabot sa 78 insidente ng pagkalunod at muntik nang pagkalunod ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Semana Santa.

Sa naturang mga insidente, 53 indibidwal ang nailigtas ng mga first responder, habang 21 naman ang binawian ng buhay.

Apat na biktima pa ang patuloy na hinahanap ng search and rescue (SAR) teams sa Antique, Camarines Sur, Leyte, at Catanduanes.


Pinakamaraming naitalang biktima ng insidente ng pagkalunod ay sa Barangay Dolo, San Jose, Camarines Sur noong Sabado de Gloria, na umabot sa limang indibidwal.

Pinakamarami namang nasagip ng first responders ay sa Barangay Sabang, Vinzons, Camarines Norte.

Facebook Comments