Naitalang nasawi sa Bagyong Odette, umabot na sa 258 ayon sa NDRRMC

Nadagdagan pa ang bilang ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga nasasawi dahil sa Bagyong Odette.

Sa kanilang tally ngayong umaga, umabot na sa 258 ang mga nasawi.

Ang mga ito ay naitala sa lalawigan ng Palawan, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Negros Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental at Oriental, Butuan City at Agusan del Sur.


Bukod dito, nakapagtala rin sila ng 566 na napaulat na nasugtan at 47 na napaulat na nawawala.

Samantala, ipinaliwanag naman ng NDRRMC na 11 pa lang sa naturang bilang ang kumpirmadong nasawi.

Sa ngayon kasi bini-verify pa nila kung may kinalaman sa bagyo ang pagkasawi ng iba.

Facebook Comments