Umabot na sa 21,000 doses ng COVID-19 vaccine ang nasira o nasayang dahil sa Bagyong Odette.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Usec. Myrna Cabotaje, ito ay inisyal na bilang pa lamang dahil may mga lokal na pamahalaan pa na hindi nagsusumite ng report dahil sa kawalan ng kuryente at internet connectivity.
Inaasahan din aniyang sa mga darating na linggo ay makakakuha na ng pinal na report ang NVOC ukol sa mga bakuna na nasira at hindi na magagamit.
Nabatid na ang mga naitalang nasasayang na bakuna ay mula sa Iloilo, Central Visayas, Eastern Visayas, at CARAGA.
Gayunpaman, ilan sa mga Local Government Unit sa MIMAROPA, Central Visayas, Southern Leyte, Iloilo, Surigao del Norte, Dinagat Island at Siargao ay nagbalik bakunahan na noong nakalipas na linggo.