Naitalang pinsala ng 6.5 na lindol sa Leyte, umabot na sa halagang mahigit 60 milyong piso

Manila, Philippines – Lumobo na sa halos 61 milyong piso ang naitalang halaga ng pinsalang dulot ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.

Batay sa tala ng NDRRMC, 51 milyong piso sa nasabing halaga ng pinsala ay mula sa mga nasirang kalsada, 8 milyong piso sa mga tulay habang 7 daang libong piso sa mga kabahayaan.

Sa kabuuan nasa 1 libo at 1 daang kabahayan ang sinira ng lindol. May mga nagkabitak bitak ding classrooms, gumuhong gusali at natu mbang tore ng kuryente.


Samantala umkyat na rin sa 11 libong indibidwal ang mga nagsilikas, nanatili naman sa 329 ang sugatan at 2 ang kumpirmadong patay dahil sa lindol.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments