
Umabot sa ₱79.9 milyong piso ang halaga ng naging pinsala ng bagyong Ambo sa mga pananim at livestocks sa mga lalawigan sa Bicol Region ayon sa Department of Agriculture- Bicol.
Ayon kay Bicol Regional Executive Director Rodel Tornilla, kabilang sa mga lubhang naapektuhan ng bagyo ang mga sakahan sa nabanggit na rehiyon.
Dahil dito, umabot ang production loss ng mga pananim na mais kung sa ₱52 milyong piso at pumangalawa naman ang palay na may ₱17 milyong piso, high value crops na ₱10.1 milyong piso at livestock na abot sa ₱101,500.
Dagdag pa ng ahensiya, ang lalawigan naman ng Masbate ang may pinakamalaking pagkalugi sa Agrikultura na tinatayang nasa ₱36.9 milyong piso.
Sumunod naman ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong aabot sa ₱33.1M na naitalang pagkalugi habang ₱4.5 milyong piso naman sa lalawigan ng Albay.
Nasa ₱2.5 milyong piso naman ang halaga ng mga nasirang pananim sa Catanduanes, ₱85,450 sa Camarines Norte, at ₱2.6 milyong piso sa Sorsogon.
Pagtitiyak naman ng DA, makakatanggap ang mga naapektuhang magsasaka ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng binhi ng palay, mais at gulay.









