Naitalang sugatan matapos ang Magnitude 6.3 na Lindol sa Mindanao noong Miyerkules, umabot na sa higit 200

Umabot na sa higit 200 ang naitalang sugatan kasunod ng 6.3 Magnitude na Lindol na tumama sa Mindanao noong Miyerkules.

Sa tala ng NDRRMC, nasa 208 na ang sugatan habang aabot sa 20,755 na tao mula sa 79 na Barangay ang naapektuhan ng Lindol.

Karamihan sa mga nasugatan ay galing sa Regions 11, 12, at Bangsamoro Region.


Nasa anim na ang naitalang nasawi.

Aabot naman sa 2,995 infrastructures ang nasira.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, magbibigay ng 20,000 pesos na financial assistance sa mga pamilyang naapektuhan sa Magsaysay, Davao Del Sur.

Inaalam pa rin ang halaga ng pinsala upang matukoy ang halaga ng gagastusin para sa rehabilitation.

Sa ngayon, aabot na sa 671 aftershocks ang narekord ng PHIVOLCS kasunod ng malakas na Lindol.

Facebook Comments