Naitalang sunog sa buong bansa nitong Kapaskuhan, umabot sa 12

Manila, Philippines – Umabot na sa 12 sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa BFP Spokesperson Fire Supt. Joanne Vallejo, anim ang naitalang residential fire, isang commercial, isang industrial, tatlong electrical at isang vehicular fire.

Sabi pa ni Vallejo, 19 naman na sunog ang naitala na may kinalaman sa paputok mula Enero hanggang Disyembre ng 2018.


Aniya, posibleng mas dumami pa ang maitalang sunog sa pagsalubong ng Bagong Taon kumpara noong nakaraang taon.

Facebook Comments