Naitalang trabaho sa panunungkulan ni PRRD, umabot lang sa 81,000 – Ibon Foundation

Inihayag ng research group na Ibon Foundation na pumalo lang sa 81,000 ang trabahong naitala ng Duterte administrasyon, simula 2017 hanggang 2018.

Base sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng Ibon Foundation na umabot lang sa 162,000 ang nagkaroon ng trabaho sa mahigit dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tala ng PSA, nasa 41 milyong Pinoy ang may trabaho noong 2016 habang pumalo ito ng 41.2 million noong 2018.


Ito na ang mas mababang naitala kumpara sa naitala noong Marcos administration.

Kaugnay nito, agad naman pumalag ang Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, aabot sa 826,000 job ang naitala sa taong 2018 pa lamang at patuloy pa itong nadaragdagan.

Bunsod nito, nais ni Panelo na paimbestigahan ang Ibon Foundation upang alamin kung saang nila nakukuha ang mga nasabing datus.

Facebook Comments